"When at Cebu, may relief goods na may Mega pa…"

Iyan ang caption sa social media posts sa pagsama ni Megastar Sharon Cuneta sa pamamahagi ng tulong ng kaniyang mister na si vice presidential aspirant Senator Kiko Pangilinan, sa mga lugar at mga pamayanan sa Cebu City, na nabiktima ng pananalasa ng bagyong Odette.

Makikitang hands on si Mega sa pamamahagi ng mga relief goods at nakikipag-usap din sa mga Cebuano, lalo na sa kaniyang mga tagahanga. Namataan pa si Mega na karga-karga ang isang bata at hinalikan ito sa noo, kahit may suot na pink face mask.

Nirepost din niya ang Facebook post na nagpapakita ng updates ng kanilang relief operation, na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng kaniyang mister. May pamagat itong 'SA PAMILYANG PILIPINO, WALANG LUMALABAN MAG-ISA.'

Tsika at Intriga

Petisyon ni Victor Consunji na bawal makita ni Maggie Wilson anak nila, ibinasura ng korte

Sharon Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

"Ang Pasko ay panahon ng pagsasama-sama, at panahon ng pagbibigayan at pagtutulungan. Ito ay panahon ng pag-asa."

"Nakita natin nitong mga nakaraang araw kung paanong nagsama-sama ang mga Pilipino sa pagdamay sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Odette. Umaapaw ang mga donasyon, at umaapaw din ang mga taong gustong tumulong sa pagrerepack."

"Nakakataba ng puso na bagama’t marami pa rin ang lugar na walang supply ng kuryente at tubig at malinis na maiinom, alam natin na may mga taong handang tumulong at hindi tayo pababayaan. Ika nga ni Nelson Mandela, “Our human compassion binds us the one to the other - not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Nanawagan din ang kanilang kampo na isantabi muna ang mga pagkakaiba-iba at magsama-sama upang magtulungan.

"Iba’t iba man ang ating pinanggalingan, iba’t iba man ang ating paniniwala at pinaghuhugutan, ibinabalik at pinagbubuklod pa rin tayo ng ating pagmamahal sa ating kapwa, lalo na sa panahon ng kagipitan."

"Ang Pasko ay panahon ng pagsasama-sama, at panahon ng pagbibigayan at pagtutulungan. Ito ay panahon ng pag-asa para sa lahat."

"Matatagalan man bago makabalik sa nakagawian ang ating mga kababayan, lalo na ang mga hindi pa rin nakikita ang kanilang mahal sa buhay at ang mga nawalan ng kabuhayan at tahanan, nawa’y maramdaman nila na hindi sila nag-iisa sa kanilang pinagdaraanan."

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Habang papunta sa Cebu ay nanawagan din siya ng tulong, batay na rin sa alkalde ng Lapu Lapu City na si Mayor Junard Chan.

"From Mayor Chan of Lapu Lapu City: National media unaware of extent of damage. They need help..24K homes completely destoyed. Olangon Island with 12K households still isolated. Relief operations are still not enough. No water. No electricity. No wi-fi. 42 ships ran aground. 2 sank. Fear of oil spill."

"Need water. Power and telco restoration of services. Air and sea transport urgently needed to transport goods to Olango island."