Aabot sa magnitude 4.1 na lindol ang yumanig sa karagatan ng Tarragona, Davao Oriental nitong Sabado ng gabi.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 10:25 ng gabi nang maganap ang pagyanig sa karagatang nasa timog silangan ng nasabing bayan.
Ang pagyanig na lumikha ng lalim na 29 kilometro ay sanhi ng tectonic.
Binalaan din ng ahensya ang publiko sa inaasahang aftershocks nito.