Paskong-pasko ngunit hindi papaawat si Queen of All Media Kris Aquino na supalpalin ang mga bashers at haters niya at ng kaniyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III o kilala rin sa tawag na PNoy.

Sinimulan muna niya ang IG post sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa kaniyang mga mahal sa buhay na laging nakaagapay sa kaniya, gaya ng kaniyang fiance na si Mel Sarmiento, at mga anak na sina Josh at Bimby.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

"Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin," aniya.

"Special thanks to Kuya Josh dahil for now, staying with us muna siya. Bimb thanks for helping move & lift me while making it seem so effortless."

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nagpadala ng regalo sa kaniya ngunit hindi niya na nagawang pasalamatan dahil sa iniindang karamdaman.

"Apologies to everyone I haven’t thanked for their gifts nor replied to their messages, I’m single minded when it comes to my tasks and my shoulders and back are still pulsing w/ spasms & cramps."

Sa bandang gitna ay ipinaliwanag na niya ang sarili kung bakit kinailangan pa niyang personal na magtungo sa pamamahagi ng relief operations, at matapos nga nito ay 'bed-ridden' siya dahil sa spasms.

"Simple but truthful explanation: may naa-accuse na nagpunta pero ang konti naman ng dala… meron maraming tuloy-tuloy ang pagpapadala pero hinahanap siya. May nagpupunta nang personal pero press release ang nagkukwento so hindi tayo sure kung totoo ba?"

"Sinigurado ko lang na alam n'yo hindi lang ako hanggang salita. Gusto kong patuloy kayong magtiwala na maaasahan n'yo pa rin ako. Wrong for my body, but correct for my heart & soul."

"Sumagot ako through researched art cards, kasi united kami ni Mel, you all should at least know what Noy was able to do for the when 15,208,678 (42.08% of the 2010 voting population) gave him the biggest honor & responsibility any Filipino citizen could ever have- yung pagkakataon na manilbihan at mamuno sa ating lahat."

Kalakip ng kaniyang IG post ang art cards kung saan inisa-isa niya ang 'facts' na nagawa ni PNoy sa kaniyang pamamahala.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Giit ni Kris, sana pala siya na lamang ang naging unofficial yet credible at effective spokesperson ng kuya niya noon.

Samantala, ipinagtanggol naman siya ng kaibigan na si Kapamilya actress Angel Locsin, na ka-tandem niya sa pamamahagi ng tulong sa tuwing may sakuna o kalamidad.

"You’re just helping ate kahit marami kaming nagsasabi na delikado sa health mo. Gusto mo makamusta nang personal ang mga tao and to make sure na makakarating sa tao talaga ang tulong. Gusto mo iparamdam na mas importante ang kalagayan nila kaysa sa comfort mo," ayon kay Angel.

"I’m so sorry to hear na may mga issue pala… gusto mo lang talagang maggive back sa mga tao. At witness ako diyan. Alam kong in pain ka ngayon at hindi nakapag-celebrate. Thank you ate. Wag ka sanang maapektuhan at magtuloy-tuloy lang dahil kailangan natin ang isa’t isa ngayon. Labyu."

Angel Locsin (Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Sa huli ay nagpaabot naman ng pagbati ng Maligayang Pasko si Kris para sa lahat.

"Let’s have a peaceful and healthy Christmas leading up to when we welcome 2022."