Simula nang manalasa ang bagyong Odette at maipahatid na ang mga tulong sa pamamagitan ng relief operations ay tila hindi pa rin humuhupa ang 'bagyo' sa pagitan ni Queen of All Media Kris Aquino at sa mga bashers at haters na kumukuwestyon sa ginawa niyang pagtungo sa Negros Occidental upang personal na makiisa sa pamamahagi ng tulong ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, gayundin ang ambag ni Kapamilya actress at tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin.

Inilabas ni Kris ang medical certificate mula sa kaniyang doktor tungkol sa kaniyang kalagayang pangkalusugan nitong Disyembre 25, sa araw mismo ng Pasko.

"As stated in my medical certificate I have many health problems. But if the need is for us to be present while goods are being distributed nag-usap na kami- si Gel (Angel Locsin) muna until my doctor gives me clearance, ako yung on ground to coordinate, place, and pay for our share of the orders. I said, “Gel, thank God they trust us," bahagi ng IG caption ni Krissy.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa IG/kris Aquino

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/25/kris-aquino-piniling-tumulong-kahit-masama-ang-pakiramdam/

Sa isa pang IG post, sinabi na personal niyang kagustuhan na magtungo sa Negros Occidental bilang pagpaparangal sa kaniyang yumaong kuya na si President Benigno 'Noynoy' Aquino III, dahil sa naturang probinsya umano ay nakaranas ng 'overwhelming victory; si PNoy.

"My MAIN REASON why I chose Negros Occidental 1st: Bacolod was my last overnight trip with Noy, near the end of the 2016 campaign… by helping the province that gave him an overwhelming victory in 2010, I'm not only honoring his memory BUT in my own way, I’m trying to make up for my shortcomings sa kuya ko, in the way i know he’ll best appreciate- by putting our fellow Filipinos in need, FIRST," ani Kris.

Aniya, hindi naman daw kailangang may katungkulan sa gobyerno o kumandidato para makatulong sa mga kapwa Pilipino, lalo na sa panahon ng kalamidad, na may pandemya pa at sumabay pa ang paghagupit ng bagyong si Odette.

"Hindi kailangan nasa posisyon, at hindi rin kailangan maging kandidato para tumulong sa kapwa Pilipino… lalo na sa ganitong panahon. para po sa ‘kin, sapat na po yung pakikipaglaban at pagmamahal na binigay ng marami sa inyo, NAKIRAMAY kasi kayo sa ‘min ng tatlong beses, sa mga oras na kailangan talaga namin ang inyong dasal at yakap sa sobrang bigat ng mga puso namin."

May responsibilidad umano si Kris na kailangan niyang tupdin sa kaniyang mga magulang at yumaong kuya.

"Responsibilidad ko bilang nag-iisang anak nina Ninoy at Cory, at kapatid ni PNoy, BECAUSE… for now, I’m the last one still carrying the last names Cojuangco Aquino. DAPAT ituloy ang pagbibigay ng tulong na walang hinihinging kapalit… tumatanaw lang po ako ng aming forever na UTANG NA LOOB dahil sa nagawa ninyo nung nakaraan at tinutuloy pa rin hanggang ngayon: marami pa rin po ang hindi nang iiwan at patuloy nagbibigay tiwala, nawala man ang gitna ng pamilyang Cojuangco Aquino, ngayong 2021."

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Bukod sa mga kompanya at iba pang mga grupo at indibidwal na nakatulong sa kanilang relief operations, pinasalamatan din niya ang fiance na si Mel Sarmiento na hindi naman daw nakisabay sa kaniyang mga pagsusungit.

"Thank you babe, dahil tiniis mo na lang yung pagsusungit ko sa ‘yo dahil frustrated, walang tulog, at pagod na ko… Di ka pumatol, you were proud na excited yung mga tao na pinuntahan ko sila," sey ni Krissy.

"In fairness though, inaalagaan naman kita at yung mga mahal na mahal mo… Finally, a relationship where we accept all we are, and all we’re not… and kahit may tampuhan pareho na nating motto, kung talagang LOVE mo, dapat alam mo, hindi option ang sumuko."

Kris Aquino at Mel Sarmiento (Screengrab mula sa IG/Kris Aquino)

Samantala, sa isa pang Instagram post ay hinambalos ni Kris ang mga bashers at haters sa pamamagitan ng paglalatag ng mga 'facts' hinggil sa mga accomplishment ng administrasyon ni PNoy, na ikinalulungkot daw niyang hindi niya nagawa noong nakaupo pa ito sa puwesto.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/26/kris-aquino-sinupalpal-ang-bashers-ibinida-ang-facts-sa-mga-nagawa-ni-pnoy/