Mula Enero 3 hanggang 20 sa 2022 ang itinakdang renewal and application ng business permit at lisensya sa Navotas City, pag-aanunsyo ng lokal na pamahalaan kamakailan.

Hinimok ng local government unit (LGU) ang mga residente na iproseso at ayusin nang maaga ang kanilang mga permit, at pinaalalahanan sila tungkol sa mga programang “General Pandemic Amnesty” at “Pandemic Recovery Asssitance” ma ipinatupad noong Disyembre 2021.

Larawan mula Navotas Mayor Toby Tiangco via Facebook

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Inaalis ng General Pandemic Amnesty Program ang lahat ng interes, penalties, at surcharge ng mga nagbabayad ng buwis na hindi nakapag-renew ng kanilang mga permit o nakapagbayad ng buwis mula Enero 1, 2020 hanggang Dis. 31, 2020.

Nilagdaan din ni Mayor Toby Tiangco ang isang ordinansang nagpapatupad ng Pandemic Recovery Assistance Program na nagbibigay ng limang porsyentong diskwento sa mga buwis sa negosyo, buwis sa real property, local at transfer taxes at iba pang mga singil sa mga nagbabayad ng buwis na walang delinquent accounts.

Ang diskwento ay maaari ring ilapat sa mga account na may utang hangga’t sila ay naayos sa oras.

Nagbibigay din ito ng mga exemption sa mga negosyong may kabuuang kita na hindi hihigit sa P120,000 para sa 2021.

Aaron Homer Dioquino