Tumaas sa mahigit 313,000 indibidwal o tinatayang higit sa 79,000 pamilya ang bilang ng mga kasalukuyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo, Disyembre 26.

Batay sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD mula nitong alas-6 ng umaga, Dis. 26, 313,096 indibidwal o 79,392 pamilya ang naitalang bilang ng mga bakwit at kasalukuyang nananatili sa 1,183 evacutaion centers sa VisMin.

Nakita ang pagtaas ng bilang ng mga pamilyang nagpasyang manatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan sa 67,669 o 220,862 indibidwal.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Larawan mula DSWD

Ipinapakita rin sa ulat ng DROMIC na tumaaas ang bilang nga pamilyang apektado sa paghagupit ni Odette sa 1,053,157 pamilya o 4,137,195 na indibidwal mula sa 5,985 na mga barangay.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northen Mindanao, Davao at Caraga.

Samantala, iniulat ng DSWD ang 375, 904 na mga nawasak na kabahayan. Sa mga ito, 245,5658 ang partially damaged at 121,336 ang totally damaged.

Mahigit P107.7 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naibigay na ng DSWD, local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Nasa kabuuang P107,721,665,08 na ang naipadadala sa mga lugar na binayo ng bagyo.

Charissa Luci-Atienza