Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11 fireworks-related injuries isang linggo bago sumapit ang Bagong Taon.

“As of 6 a.m. of Dec. 26, 2021, a total of 11 fireworks-related injuries [were] reported. These were the same compared to 2020 (11 cases) and 77 percent lower than the five year average (48 cases) during the same time period,” anang DOH. Nagsimulang magmonitor ang ahensya noong Disyembre 22.

“All cases were injuries due to fireworks. There was no fireworks ingestion, stray bullet injury, or death reported,” dagdag pa nito.

Sinabi ng DOH na ang limang kaso ay nagtamo ng sugat at paso na kinakailangan ng amputation, habang ang limang kaso pa ay parehas ng natamo ngunit hindi kailangan ng amputation, at ang isang kaso ay nagkaroon ng eye injury.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga uri ng paputok nagdulot ng pinsala ay ang boga (tatlong kaso), piccolo (tatlong kaso), 5-star (isang kaso), benggala (isang kaso), triangle (isang kaso), whistle bomb (isang kaso), at walang label na paputok (isang kaso).

Ang 11 na kaso ay naiulat mula saBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Tig-dadalawa ay mula saCagayan Valley, Western Visayas, and Central Visayas; at tig-isa mula sa Ilocos Region at Bicol.

Analou de Vera