Nais na niSenator Leila de Lima na makalaya sa kanyang pagkakakulong kaugnay ng kinakaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ito ang panawagan ng senador matapos na magdiwang muli ng Pasko nitong Sabado sa loob ng Philippine National Police Custodial Center sa Quezon City nitong Sabado.

"Bukod sa aking agarang paglaya at pagkakataong makapiling ang aking mga anak, apo, kapatid at inang may sakit, dalangin ko rin po ang paglaya ng bansa mula sa krisis, pagbangon mula sa mga nagdaang delubyo at pagpapanagot sa mga pinunong umabuso, nagpabaya at nagtraydor sa Pilipino," giit ni De Lima.

Nakakulong si De Lima mula nang maaresto ito noong Pebrero 2017 matapos isangkot sa umano'y bentahan ng illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prison noong nasa puwesto pa ito bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20