Sinimulan na ngayong araw ang pagbabakuna ngbooster shot kontra COVID-19, kahit hindi residente ng Caloocan City.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, inihinto muna sa araw ng Pasko ang pagbabakuna ng booster shot, upang bigyan daan ang pagdiriwang ngKapaskuhan ng mga health workers.

Binigyang-diin ng alkalde na hindi lamang sa mga Caloocan City ang gusto nilang bakunahan, bagkus pati ang mga residente nakalapit lungsod gaya ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Manila at Quezon City ay kanilang maturukan.

Bukas ito para edad 18 taong-gulang pataas na nakalipas na sa tatlong buwan mula nang mabakunahan ng second dose, alinsunod sa amended EUA na inanunsyo ng Department Of Health (DOH).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Para sa karagdagang impormasyon, umantabay lamang sa Facebook page ng alkalde o magtungo sa mga barangay health center.

Orly L. Barcala