Nahukay ang aabot sa 29 na bombang hindi sumabog sa isang construction site sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City kamakailan.
Ang mga bombang narekober ay pawang anti-tank ammunition.
Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nahukay ng construction worker na si Alex Glinogo, 52, ang 22 piraso ng hindi sumabog na 75-mm. na bomba nitong Disyembre 20. Si Glinogo ay isa sa trabahador ni Rodolfo Dua sa pinapagawang extension ng kanyang bahay.
Nitong Disyembre 23, pito pang katulad na bomba ang nahukay sa lugar.
“(This) ordnance might explode when unproperly handled,” sabinaman ni Staff Sergeant Anthony Memoracion na miyembro ng explosive ordnance demolition (EOD) ng Zamboanga City Police.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang nasabing mga bomba.
PNA