Nagbabala ang Valenzuela City government kaugnay ng gumagala at nagpapakilalang mga empleyado ng city hall upang makapag-solicit.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod nitong Sabado, Disyembre 25, dala-dala ng mga nasabing indibidwal ang mga solicitation letters na ibinibigay sa kanilang bibiktimahin.

Nilinaw ng city government na bawal sa kanilang mga empleyado ang humihingi ng pera o donasyon at tumanggap ng mga regalo, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Binanggit din nito na kabilang sa mga nagso-solicit ang mga pekeng garbage collector sa lungsod.Pinayuhan din ang mga naging biktima na magsumbong sa Human Resource Management Office (HRMO) upang maaksyunan ang kanilang usapin.

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

Aaron Homer Dioquino