Nakapagtala ang Pilipinas ng 433 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa nitong Sabado, Disyembre 25.

Sa naitalang mga bagong kaso, 404 (93 porsyento) ang naitala sa nakalipas na 14 na araw o mula Disyembre 12 hanggang 25, ayon sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH).

Ang mga rehiyon na may mataas na kaso sa naturang period ay ang Metro Manila na may 178 na kaso, Calabarzon na may 41 na kaso, at 33 naman sa Central Luzon.

Umabot na sa 2,838,381 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong nakaraang taon.

National

De Lima sa pagkilala ng SC sa 'property rights' ng same-sex couples: 'A step toward genuine equality!'

Sa naturang bilang, 9,376 ang aktibong kaso.

Sinabi ng DOH 3,430 ang mayroong mild symptoms, 3,337 ang moderate condition, 1,777 ang severely ill, 458 ang asymptomatic, at 374 ang kritikal.

Umakyat sa 51,187 ang death toll matapos makapagtala ng karagdagang 137 na namatay.

Sa naitalang bagong bilang na namatay, 14 ang pumanaw ngayong buwan, 26 noong Nobyembre, 45 noong Oktubre, 32 noong Setyembre, 11 noong August, lima noong Hulyo, tatlo noong Hunyo, at isa noong Abril.

“[This is] due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” anang DOH.

Samantala, 369 na pasyente ang gumaling mula sa sakit sanhi upang umabot sa 2,777,818 ang recovery tally.

Analou de Vera