Magkakaloob ang Pasig City government ng ₱5 milyong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ang naturang donasyon sa provincial governments ng Dinagat Islands, Southern Leyte, Negros Oriental, Surigao del Norte, at Bohol.

Ayon kay Sotto, ang bawat lokal na pamahalaan ay tatanggap ng tig-₱1 milyon.

“The Pasig LGU is donating 5 million pesos to #OdettePH victims, through the ff provincial govts (1M each): 1.Dinagat Islands; 2.Southern Leyte; 3.Negros Oriental; 4.Surigao del Norte; 5.Bohol,” pahayag pa ni Sotto, sa kanyang Twitter account nitong araw ng Pasko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ngayon aniya ay may mga staff na sila sa mga naturang lugar upang mag-asikaso sa pagkakaloob ng naturang tulong.

Umapela rin naman ang alkalde sa publiko na humanap ng pamamaraan upang makatulong sa mga taong nangangailangan.

“In the spirit of Christmas, let's find ways to help those in need,” aniya pa.

Mary Ann Santiago