Hindi pa inirerekomenda ng OCTA Research Group ang paggamit ng face shields sa kabila ng banta ng Omicron coronavirus variant.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang kakailanganin ang pagsuot ng face shield kung sakaling magkaroong muli ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

“During a surge naman, sinupport naman namin yung paggamit ng face shield dahil siguro kahit papaano baka may added layer of protection yan. Pero in a non-surge situation pwede naman alisin yan," ani David sa isang panayam sa ABS-CBN Teleradyo nitong Sabado, Disyembre 25.

“Sa ngayon, hindi pa naman siguro kailangan iyan. Malayo pa naman tayo umabot sa medyo malalang surge sa ngayon kahit na magkaroon ng uptick kasi napakababa ng bilang ng kaso natin," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa kay David, nakikita nila ang pagtaas ng positivity rate sa Metro Manila dahil umano sa mga holiday.

“We will have more clarity by January 2022,” aniya pa.

Sinabi rin ni David na kapag umabot sa libo ang arawang kaso ng COVID-19 ito ay seryosong usapan.

“I mean, kung umabot tayo sa mga a few thousand cases per day mula ngayon sa mga [200] to 300 eh medyo magiging serious na talaga yung usapan dito. Pero sa ngayon, hindi pa naman agad-agad aabot doon tayo sa sitwasyon na may mga a few thousand cases per day tayo," aniya.

Hinimok ni David ang publiko na magpabakuna at mahigpit na sumunod sa minimum public health standards.

Analou de Vera