Nagpaabot ng pasasalamat ang Pilipinas sa Israel dahil sa pagtulong nito sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
Binanggit niPresidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na ipinadala nito ang mensahe ng Philippine government sa mismong embahada ng Israel.
Sinabi ni Andanar nitong Biyernes na isinagawa ng Embassy of Israel at ng Philippine Airforce ang ceremonial turnover ng mga donasyon sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Kabilang sa donasyon ang isangwater purifier, apat na solar panels, mahigit sa 2,000 kilo ng bigas, at 500 na hygiene packs at mga pagkaing nakatakdang ipamahagi sa mga residente ng Siargao.
Aniya, magkaiba ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon sa mga nakalipas na taon dahil na rin sa kalamidad na pagtama ng bagyong 'Odette' sa bansa na nagdulot ng malaking pinsala sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Ellson Quismorio