Inaprubahan ng House Committee on Public Works and Highways sa pamumuno ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona nitong Martes ang committee report at ang substitute bill na magsusulong sa kalusugan ng mga mamamayan sa kanayunan o mga malalayong probinsya sa pamamagitan ng pinaigting na programa sa konstruksiyon ng "potable water supply system" sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Layuning mapagkalooban ng malinis at naiinom na tubig ang mga residente sa malalayong lugar at barangay.

Pinalitan ng panukala ang House Bill 129 na inakda ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri; HB 1769 ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte; HB 1924 ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado; HB 2012 ni Quezon City Rep. Alfred Vargas; HB 2391 ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes; HB 3820 ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez; HB 4135 ni Pangasinan Rep. Jumel Anthony Espino; HB 4727 ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo; HB 4995 ni Pangasinan Rep. Tyrone Agabas; at HB 6225 ni ANG PROBINSYANO Party-list Rep. Alfred Delos Santos.

Inaksyunan din ng komite ang konsolidasyon ng sumusunod na pambansang panukala: HB 3683 o Tourism Sites Accessibility Act ni Rep. Jake Vincent Villa kasama ang HB 7145; at ng HB 10158 ni Rodriguez. 

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Bert de Guzman