Nangako si Philippine Red Cross (PRC) Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon na magbibigay ito tulong sa mga biktima ng bagyong Odette habang patuloy na umaapela ng karagdagang donasyon ang organisasyon.

“Every bit helps, and hopefully we can come out as successful as we did in Haiyan wherein there were no integrity issues in all the typhoon operations and fundraising initiatives,” ani Gordon.

Nagsagawa ng emergeny diplomatic meeting si Gordon sa International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC) at 29 na ambassadors at diplomat noong Huwebes, Disyembre 23. Pinasalamatan niya ito sa kanilang mga kontribusyon at pag-aapela ng karagdagang donasyon para sa mga naaapektuhan ng bagyo.

“It has been exacerbated once again by the loss of livelihood, infrastructure damage, crop damage, which still has to be unfurrowed, and challenges to morale because these people have no water, the lifelines are out, water, power, communications, even medical facilities are affected, but the most affected of course are the most vulnerable, and there are many poor in our country,” ani Gordon sa meeting.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pamamagitan ng emergency appeal, ang PRC ay maghahatid ng agarang tulong at long-term recovery efforts para sa tinatayang 400,000 na katao sa suporta ng IFRC.

Kasalukuyan, sinabi ng PRC na mayroon silang 1,540 volunteers, at nakapagbigay ng pagkain sa 27,915 na indibidwal, nagbigay ng tinapay sa 865 na pamilya, food items sa 194 na pamilya, nakapagbigay rin ng non-food items sa 50 pamilya, nagbigay din ng psychosocial support sa 725 na indibidwal, nag-set up ng child-friendly spaces para sa 263 na indibidwal, nakapagmonitor ng blood pressure sa 965 na indibidwal, nagbigay ng unang lunas sa 31 na indibidwal, nagsagawa ng hygiene promotion sa mga evacuation center sa 8,083 na individual, nagbigay ng hygiene kits sa 204 na pamilya, nakapagbigay ng 163,300 na litro ng tubig, nagpadala ng damit sa 251 na indibidwal at face masks sa 245 na indibidwal, at nagbigay ng 19 body bags sa huling datos nitong Huwebes, Disyembre 23.

Nakatanggap din ang PRC nitong Disyembre 22 ng bilateral donations mula sa Spanish Red Cross, German Red Cross, Singapore Red Cross, Australian DFAT, International Committee of the Red Cross and Red Crescent (ICRC), Korean National Red Cross, Canadian Red Cross, at Kuwait Red Crescent Society.

Dhel Nazario