Magdiriwang ng kapaskuhan sa kulungan ang number 1 most wanted ng Antique matapos itong mahuli ng Muntinlupa police kasama ang Special Action Force (SAF) at regional police noong Disyembre 23.

Suspect Jumel Sarap, the No. 1 most wanted person of Culasi, Antique (Culasi Municipal Police Station)

Inanunsyo ni Southern Police District Brig.Gen. Jimili Macaraeg ang pagkaarteso ni Jumel Sarap, 34, number 1 most wanted person ng Culasic, Antique.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naaresto si Sarap bandang 11:20 ng gabi ng Disyembre 23 sa isang shopping mall sa Bgy. San Dionisio sa Paranaque. Isinagawa ng mga tauhan ng Poblacsion Sub-Station 6 ng Muntinlupa kasaa ang SAF 83rd Company, Culasi Municipal Police Station, at Regional Intelligence Unit 6 ang manhunt operation para dakpin si Sarap.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa panggagahasa na walang inirerekomendang piyansa na inisyu ni Judge Montalid Patnubay Jr., acting presiding judge ng Culasi Regional Trial Court Branch 13. Inihain ang kasong panggagahasa ni Sarap noong Abril 2017.

Dinala si Sarap sa Muntinlupa Custodial Facility habang hinihintay ang paglalabas ng commitment of order mula sa court of origin.

“The arrest of the top 1 most wanted person of Culasi, Antique is a Christmas gift. This means that those wanted by the law will be arrested anywhere they go and hide through good coordination by all branches of the police. I congratulate the Muntinlupa Police Station and their companions who planned and executed to make this operation successful,” ani Macaraeg.

Jonathan Hicap