Ipinagtapat ng isang opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes sa mga kongresista na may natitira pang P2 bilyon sa pambansang pondo ng gobyerno na taliwas sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubos na ang pondo upang tugunan ang pinsalang dulot ng bagyong "Odette."

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/19/%e2%82%b12b-itutulong-ng-govt-sa-odette-victims-malacanang/

“We still have a balance of around P2 billion,” pag-amin ni OCD Operations Service director Bernardo Rafaelito Alejandro sa pagdinig ng House committee on transportation. “ Meron pa tayong P1 bilyon saka isa pang P1 bilyon na ibinigay o inilaan sa local government units (LGUs).”

“To make the long story short, we still have money available in our disaster funds,” saad naman ni Rep. Isidro Ungab ng Davao City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una rito, sinabi ni Acting Budget Secretary Tina Canda na maaaring i-tap ng pamahalaan ang nalalabing P2 bilyon sa National Disaster Risk Reduction Management Fund at panibagong P2 bilyon mula naman sa Duterte's contingent fund upang matupad ang pangako ng Pangulo na na naghahanap siya ng P10 bilyon para gamitin sa pinsala ng bagyong “Odette.”

Ayon kay Canda, ang P4 bilyon ay nasa NDRRMF pa, pero ayaw gamiting lahat ito ng gobyerno sa pagtugon sa pinsala ng bagyo.

Sinabi ni Duterte na halos sagad o ubos na ang pondo ng kanyang administrasyon dahil ito ay ginamit sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Samantala, sinabi ni Rep. Carlos Zarate ng Bayan Muna party-list na "nagkukuripot" umano ang administrayongDuterte sa mga pondo at relief goods para sa mga biktima ng Odette, kahit ang pamahalaan ay meron pang mahigit na P9 bilyon mula sa pambansang budget ngayong 2021 na maaaring i-release agad para sa mga biktima ng bagyo.

Bert de Guzman