Ipinarinig na sa publiko ang music video ng Christmas campaign ni Bise Presidente Leni Robredo na handog ng volunteer creatives at artists na pinamagatang 'Pag-ibig ang Kulay ng Pasko.'

Tampok sa music video ang kilalang mga personalidad tulad nila Jolina Magdangal, Agot Isidro, at Pinky Amador.

Bida sa chorus ng kanta ang iba't-ibang dialekto at wika na sinalin ang salitang "pag-ibig."

"Ayat panangaro ang kulay ng Pasko. Paghigugma, pagkamuot ang kulay ng Pasko. Lugud Amor ang kulay ng Pasko. Pag-ibig, love ang kulay ng Pasko."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"May kulay ng kabutihan. Ang kapaligiran. Masdan ang kagandahan ng pagtutulungan. Kabutihan ang regalo ng bawat Pilipino," parte ng kanta.

Samantala, nauna nang sinabi ni Robredo ipinakita ni Robredo ang larawan ng pamumuno na maipapakita kung siya ang mananalong presidente sa Halalan 2022.

“Pag tayo ang binigyan ng pagkakataon, ito ‘yung Pilipinas na inaasahan natin—na ‘yung mga naiiwan ay inaakay, ‘yung mga nadadapa, binibitbit," ani Robredo sa kanyang Christmas video message na kanyang inilabas.

“Yung mga blessed ay shine-share ang blessings sa iba kasi ito naman yung pangarap natin diba? Na pag pinag-usapan ‘yung progress, hindi lang para sa iilan kundi para sa lahat ng Pilipino."