Sa mga residente ng Maynila na nais pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19, maaari nang magpre-register sa pamamagitan ng online vaccine registration facility ng Maynila, ayon kay Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Biyernes, Disyembre 24.
Sa Manila Capital Report livestream nitong Disyembre 24, inanunsyo ni Domagoso na ang online vaccine registration sa Maynila ay magbibigay-daan sa mga magulang o guardian na mairehistro ang kanilang mga anak para sa COVID-19 vaccination bago ang i-deploy sa buong bansa ang Pfizer vaccine para sa mga bata.
Ginawa ang anunsyo matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer brand noong Huwebes, Disyembre 23.
Sa huling datos noong Disyembre 22, 212,225 na vaccine dses na ang dineploy sa mga menor de edad na may edad 12-17 sa Maynila, ayon sa Manila Public Information Office.
Para sa online registration, magtungo lamang sa link sa ito: https://manilacovid19vaccine.ph/home.php