Matapos itanghal bilang The Clash Season 4 grand champion ang Iligan pride na si Mariane Osabel, muling inungkat sa isang media interview ang naging kontroberysal na pagkatalo niya sa Ultimate Resbak edition ng Tawag ng Tanghalan noong 2019.

Matatandaang naging debate sa social media ang nakuhang 16.5% na judges’ votes ni Mariane dahilan para matalo siya noon kay Mariko Ledesma.

“Everything happens for a reason talaga. Siguro hindi ko pa po yun time. Hindi po binigay ni Lord para sa akin yun. And nakapag-move on na po ako. Di ko na po tinagalan, ‘di po ako naging bitter,” ani Mariane.

Matatandaang naging matinding bakbakan ng bosesan ang naganap sa pagitan nina Mariane at Mariko.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Kasunod ng kontrobyersiya kung saan nadawit maging ang mga hurado, umatras sa laban si Mariko at nang muling inimbitahan sa kompetisyon si Mariane, ‘di na rin ito nagpatuloy.

Samantala, tinatanaw naman ni Mariane ang utang na loob sa programang It’s Showtime.

“Nagpasalamat po talaga ako sa kanila. Sobrang love na love ko rin po ang mga staff diyan. Ang dami po nilang advices sa akin. Dami ko pong lessons na napulot,” pagbabahagi ni Mariane.

Nilinaw din ng The Clash champion na walang namagitang alitan sa pagitan nila ni Mariko bagamat hindi niya ito nakausap matapos nitong umatras sa kompetisyon noon.

“Sobrang friends po kami ni Ate Mariko. Hinug niya po niya ako after natalo po ako. And sinabi ko po sa kanya na, time niya yun and nagpasalamat din ako sa kanya. Sobrang galing ni Ate Mariko nun, wala akong hinanakit sa kanya talaga,” sabi ni Mariane.

Umaasa ang pinakabagong GMA talent na muli niyang makasama si Mariko.

“Sana po okay lang si Ate Mariko. Mahal na mahal ko po yun. Sana in good health siya—in good shape and sana makita ko na siya,” ani Mariane.