Matapos itampok ng Balita ang kabigha-bighaning “floating barangay” ng Dawahon sa Bato, Leyte nitong Setyembre, tila gumuhong mundo ang naging imahe nito matapos manalasa ng Bagyong Odette kamakailan.

Basahin: Floating barangay? Nakatagong isla sa Leyte, tampok sa isang travel vlog! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang Facebook post ng kapitan ng barangay na si Arnulfo Borong Taneo, nanawagan ito sa publiko ng tulong para sa kanilang lugar na nawasak ng bagyo.

Sa naturang post, makikita ang pinadapa nang lugar mula sa tupi-tuping kabahayan, hanggang sa mga sirang bangka at fish famrs na pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa isla.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Larawan mula kay Kapitan Arnulfo Borong Taneo via Facebook

Larawan mula kay Kapitan Arnulfo Borong Taneo via Facebook

Larawan mula kay Kapitan Arnulfo Borong Taneo via Facebook

Matatagpuan ang Dawahon sa pagitan ngseaborders ng Cebu, Bohol at Leyte, mga lugar na lubos na hinagupit ni Odette.

Sa ngayon, kailangan na kailangan ng lugar ang pagkain, at inuming tubig. Ayon sa kapitan, nananatiling walang linya ng kuryente at internet ang isla kaya’t pahirapan ang komunikasyon.

Gayunpaman, sa kabila ng malaking dagok sa pausbong nang komunidad, positibo pa rin ang pananaw ng ama ng barangay na babangon muli ang kanilang lugar.