Hindi pa bukas ang COVID-19 vaccination program sa mga batang may edad 5 hanggang 11 dahil kailangan pa rin ng gobyerno na kumuha ng partikular na bakuna para sa kanila ayon sa Department of Health (DOH).
“We would like to clarify that we are not yet administering COVID-19 vaccines for five to 11 years old,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes, Disyembre 24.
Matatandaan na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) noong Disyembre 23 ang emergency use ng Pfizer vaccine sa mga indibidwal na may edad 5 hanggang 11.
“While FDA has already given EUA for Pfizer vaccines for this age group, the government will still need to procure Pfizer vaccines with lower concentration and dose suitable for five to 11 years old,” ani Vergeire.
Additionally, guidelines for the administration of COVID-19 vaccines for five to 11 years old have yet to be released,” dagdag pa niya.
Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni FDA Director-General Rolando Enrique Domingo na tinitingnan ng gobyerno na isama ang naturang age group sa COVID-19 vaccination program sa Enero sa susunod na taon.
“Pero siyempre po iyan, depende kung nag-order na rin po sila or kung mayroon na silang na-secure, nakabili na sila ng supplies para dito po sa bakuna na pambata at kung ready na pong mag-rollout. Pero ang plano po talaga niyan ay as early as January," aniya.
Ayon kay Vergeire, nasa 13.5 milyon na batang may edad lima hanggang 11 sa buong bansa.
“The National Vaccination Operations Center (NVOC) will be releasing updated estimated figures based on 2022 Philippine Statistics Authority Population Projections once available,” aniya.Analou de Vera