Kung sa Pilipinas si Jose Mari Chan ang tinig na mapapakinggan sa pagsapit ng “ber” months, imposible ring hindi marinig ng buong mundo ang global Christmas anthem ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas is You.”

Sa katunayan, matapos ang halos tatlong dekada mula noong ilabas ang kanta noong 1994, tanyag pa rin ang kanta maging sa panahon ng music online streaming platform.

Nitong Disyembre 22, umabot na sa isang bilyon ang streams ng kanta sa Spotify, patunay na hindi matatawaran ang kasikatan ng kanta at ang pundasyon ni Mariah sa industriya ng musika maging sa kasalukuyang henerasyon.

Nagpasalamat naman ang American singer-songwriter at record producer sa kanyang fans sa panibagong milestone ng kanyang music career.

Musika at Kanta

Apl.de.ap bet maka-collab ang BINI: 'They are world class!'

“Thank you Spotify, the #lambily, and everyone who streams this song to add a little bit of festivity to the season! I truly appreciate each and every one of these 1 billion streams! ?❤️??” ani Mariah.

Ang kanta ay unang inilabas bilang lead single ng ikaapat na studio album ni Mariah noong Oktibre 1994.

Sa paglipas ng panahon, naging bahagi na ng tradisyon ng pasko sa buong mundo ang pagpapatugtog sa kantang ito.

Ilang araw bago ipagdiwang ng buong mundo ang espesyal na selebrasyon ng pasko, kamakailna ay muling nanguna sa Billboard Global 200 at Billboard Hot 100 charts ang naturang kanta.