TABUK CITY, Kalinga – Sa kulungan na magdidiwang ng kapaskuhan ang tatlong turista, matapos mahuli sa checkpoint sa tangkang pagpupuslit ng P4.8 milyong halaga ng marijuana bricks noong Disyembre 23 sa Barangay Bantay, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ni Kalinga PPO Provincial Director Davy Limmong ang mga suspek na sina Mark Anthony Bunsol Comia, 29, driver, ng Novaliches Quezon City; Edwarf Dela Cruz, 35, driver, ng Barangay San Roque, Navotas City at Yarielle Camacam Lacambra, 22, estudyante, ng Bahay Turo, Quezon City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayong kay Limmong, sa magkasanib puwersa ng pulisya sa pangunguna ni Tabuk City PS Chief of Police Dimulong Tombali, ang agad nagsagawa ng checkpoint dakong alas 10:30 ng umaga, matapos makatanggap ng intelligence report na tatlong suspek na lulan ng sasakyan na galing ng Maynila at nagpanggap na turista sa lalawigan ng Kalinga na magbibiyahe ng marijuana pabalik ng Maynila.

Isang kulay silver Toyota Innova na may plakang ZLP-182 na naka-rehistro sa pangalang Ruel Quierrez ang hinarang at ng siyasatin ang loob ng sasakyan ay narekober ang 40 bricks of marijuana leaves and stalks na may timbang na 40,000 grams at may estimated Standard Drug Price of P4,800,000.00.

Isinagawa ang on site inventory na sinaksihan nina Barangay Captain Franklin Obal, media at DOJ-Nakingngak Bangloy.

Kinumpiska din sa mga suspek ang apat na android cellular phone, vaccine cards, official receipt at certificate ng Toyota Innova, assorted medicines, assorted keys, black vape, vape bottle containing juice, at Philhealth ID.

Zaldy Comanda