Nanawagan ang maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na kung maaari ay huwag magdaos ng magarbong Christmas parties.

Ito ay bilang pakikisimpatiya na rin sa mga biktima ng bagyong Odette.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa halip, hinikayat ni CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mamamayan na tumulong sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.

“Perhaps instead of spending a lot on lavish Christmas parties and exchange gifts, we can put together whatever we can and contribute it to relief operations,” ayon kay David.

Una nang idineklara ni David  bilang national day of prayer para sa mga biktima ng bagyo ang Disyembre 25 at 26.

Hinikayat rin ang mga dioceses na magkaroon ng second collection sa kanilang misa para sa relief operation ng Caritas Philippines, social action arm ng Simbaban.

Nabatid na may 10 diyosesis ang labis na naapektuhan ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

Una naman nang nakapagpalabas ng inisyal na P3 milyon ang Caritas Philippines sa kanilang Alay Kapwa fund para sa mga apektadong diocese para sa kanilang  emergency relief operations, at  P2.5 milyon para sa relief operation ng Simbahan.

Mary Ann Santiago