Sinabi ng ng basketball star na si Ricci Rivero na pansamantala muna siyang mamamahinga sa showbiz at mas pagtutuunan ng pansin ang kaniyang first love---ang basketball, kung saan una siyang nakilala.

“For now, sa basketball muna ako magpo-focus, kasi malaking achievement na naman na natapos na talaga namin ang 'Happy Times' so matagal-tagal ko muna siyang eenjoyin," pahayag ni Ricci sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

PH 3×3 faces acid test – Tempo – The Nation's Fastest Growing Newspaper
Ricci Rivero (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ang 'Happy Times' ay movie niya sa Upstream, na nagsimula na ang online streaming noong Disyembre 17, 2021

“Sana, guys, suportahan n'yo ito, kasi babalik muna ako sa basketball kung saan naman po ako talaga nanggaling," wika ni Ricci.

Aminado si Ricci na kaya sumabak siya sa pag-arte ay dahil sa hilig niya sa panonood ng mga local movies.

“Naa-attract ako palagi sa Tagalog films kaya I'm into Tagalog films talaga. Naeenjoy ko talaga lalo na noong masabihan ako na magkakaroon ng chance to work with yung mga artista and all."

“I’m really into learning something new, so sobrang open ako kahit saang craft naman ako mapunta."

“Nakikinig lang naman din ako, tina-try ko na mag-improve din," dagdag pa niya.

Ang mga idolo raw niya pagdating sa pag-arte ay sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at Daniel Padilla. Mapalad naman si Ricci dahil nakasama niya kahit sa sandaling panahon si Piolo sa defunct musical variety show na 'Sunday Noontime Live' o SNL sa TV-5.

Mula sa De La Salle Archers ay lumipat si Rivero sa University of the Philippines Fighting Maroons para mag-pokus sa 'Gilas Pilipinas'.

UAAP: CJ Cansino says Ricci Rivero recruiting him among reasons he chose UP.  What are the others? – Manila Bulletin
Ricci Rivero (larawan mula sa Manila Bulletin)

Ang kaniyang breakout performance sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 80 Men's Basketball Tournament ang nagbigay sa kaniya ng spot para sa Mythical Five at 'Most Improved Player award'.