Inaprubahan ng Phillipine Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Pfizer-BioNTech coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa mga bata na may edad na lima hanggang 11 taong gulang.

“Upon the review of the technical documents and evaluation of the US FDA recommendations, our experts have found that data submitted is sufficient for the EUA [Emergency Use Authorization] approval,” ani FDA Director-General Rolando Enrique Domingo nitong Huwebes, Disyembre 23.

“Nakita naman talaga natin na (We have found that) it is reasonable to believe that the vaccine may be effective to prevent COVID-19 and the benefits of vaccination outweigh the known and potential risks,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Domingo, isinumite ng mga vaccine makers ang kanilang EUA application para sa mga bata na may edad 5-11 noong nakaraang buwan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Ito pong bakuna na ito ay ginagamit na po sa mga bata sa maraming bansa katulad sa US, Europa, at saka sa Canada," aniya.

Sa ginanap na clinical trials sa abroad, sinabi ni Domingo na walang naitala na seryosong side effects sa mga batang nakatanggap ng naturang bakuna. 

Ani Domingo, ang normal na side effects ay pananakit sa injection site o sinat na madalas na ma-obserbahan matapos ang anumang pagbabakuna.

“Mataas din po ang kanyang efficacy rate—above 90 percent sa mga batang five to 11 years old," aniya.

“Wala pong nakitang any unusual or important safety signals para hindi natin ibigay itong EUA," dagdag pa niya.

Gayunman, binigyang-diin ng FDA chief na itong bakunang ito ay iba sa ginagamit sa mga batang may edad 12-anyos pataas.

“Hindi po siya kapareho nung dosage na binibigay sa adult. Ito po ay mas mababang dosage at hindi lang iyon, yung concentration ng vaccine ay mas mababa din po kesa doon sa ginagamit sa adults ngayon," ani Domingo.

“Yung present doses natin na nandito ngayon ay pang adult iyon at maaring gamitin sa 12 to 17. Pero sa five to 11 ibang bakuna po ang gagamitin," dagdag pa niya.

Sinabi ni Domingo na nakipag-ugnayan na siya kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez at Department of Health Secretary Francisco Duque III para sa procurement ng bakuna para sa naturang age group.

“Knowing this, actually last week pa, sinabihan na namin ang ating Task Force–sila Secretary Galvez at ang Department of Health— Secretary Duque na ibang vaccine po itong gagamitin sa five to 11 na mga bata so they will have to order and procure this separately,” aniya.

Analou de Vera