Ibinigay ng isang batang babae ang kanyang buong ipon para makatulong sa Odette relief operations na ginagawa ng mga opisyal ng Maynila.

Ayon sa kapitan ng Barangay 609 at city councilor Leilani Marie Honrado Lacuna, head ng relief operations sa Manila, ang bata ay anak ng kapitan ng Santa Cruz, Maynila.

“Yung lahat ng savings niya eh binigay niya nung nalaman niya na nagbibigay ng tulong ang mga tao sa mga nasalanta ng bagyo. Nakalagay sa Tupperware ang mga barya at perang papel na i-dinonate niya para sa aming relief drive," ani Lacuna.

Nananawagan ang mga opisyal ng Maynila para sa karagdagang donasyon para sa biktima ng super Typhoon "Odette" na may layuning makapaghatid ng tulong sa mga lugar na nahihirapan pa at hindi pa nabibigyan ng tulong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Lacuna ang mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Su, at Surigao del Norte ang mas nangangailangan pa rin ng tulong.

“Meron kaming contact sa Mindanao, si Ma’am Shey Sakularan who is a representative for Muslims who said that people in those provinces are in need of cash and goods. Siya po ang nag-identify ng areas sa Mindanao that were also badly affected," ani Lacuna sa isang pahayag.

Nakalikom ng humigit-kumulang isang milyon ang mga konsehal ng lungsod ng Maynila at mga barangay chairman noong Lunes, Disyembre 20, kung saan ang P370,000 ay mula mismo sa mga konsehal ng lungsod.

Seth Cabanban