Magkakaroon ng power interruption sa Disyembre 23-24 sa ilang bahagi ng Binondo, Intramuros, at Ermita sa Maynila, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Sinabi ng Meralco na ililipat ang mga pasilidad dahil sa pagtatayo ng Binondo-Intramuros Bridge sa kahabaan ng Muelle Del Banco Nacional St. sa Binondo.

Magkakaroon ng power interruption sa pagitan ng 11:30 p.m. at 11:59 p.m. sa Disyembre 23 at pagitan ng 5:00 a.m. at 5:30 a.m. sa Disyembre 24 sa mga sumusunod na lugar:

- Bahagi ng Magallanes Drive mua sa Bureau of Immigration sa Intramuros. Kabilang sa mga apektadong gusali ay ang Central Post Office, Liwasang Bonifacio, National Press Club, at ang Overseas Filipino Bank sa Lawton.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

- Sa kahabaan ng Muralla St. sa Binondo, kabilang ang Bank of the Philippine Islands (BPI) .

- Sta. Cruz road sa Lawton, Ermitam kabilang ang Park N Ride sa Lawton.

Samantala, magkakaroon ng power interruption simula 11:30 p.m. ng Disyembre 23 hanggang 5:30 a.m. ng Disyembre 24 sa mga sumusunod na lugar: 

- Bahagi ng Muelle Del Banco Nacional St. mula Prensa St. Kabilang sa mga apektadong building ay ang Birch Tree Plaza Bldg. at Binondo Flood Control Pumping Station sa Binondo.

- Bahagi ng Dasmariñas St. mula Prensa St. Ang mga apektadong gusali ay Noble Place Bldg., Maritima Bldg., World Exchange Center, at Federal Tower Condominium sa  Binondo.

- Parte ng Muelle de Binondo St. mula sa Dasmariñas St. Ang mga apektadong gusali ay ang Crystal Mansion, Red Planet Manila Binondo, CNC Investment Bldg. at World Trade Exchange Center sa Binondo.

Khriscielle Yalao