May matapang na tweet ang Cebuana at dating Kapamilya actress na si Dionne Monsanto sa mga 'mapagsamantalang' nagtitinda at negosyante na magtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng kalamidad, gaya ng gaas at pagkain, partikular sa Kabisayaan matapos manalasa ang bagyong Odette.
"Sa mga nagtataas ng presyo ng gas at pagkain pagkatapos ng kalamidad, you have a special place in hell," tweet ni Dionne noong Disyembre 20.
Napabalita kasi na may ilang mga negosyante na nananamantala na kesyo kailangang-kailangan ang gas at pagkain sa mga lalawigang lubusang nahambalos ng malakas na bagyong si Odette, bago ang pagsapit ng Pasko.
"I’m from Cebu and my family & friends say the same thing. Saklap sobra…" dagdag pa ni Dionne.
Marami naman sa mga netizen ang nagpatunay na nangyayari nga ito.
"Shouldn't we call for a stronger price freeze implementation? Inflation after a calamity is just inhumane. The fact na it's under the law pa tas di naman natutupad kung kelan kailangan. Ang mga mahirap mas lalong naghihirap. Ang bababoy."
"Sabi ng friend ko from Cebu… ang gas daw is 140/liter… yung sinasalin sa galon or container… nakakalungkot na marami ang nanamantala sa sitwasyon nila ngayon."
"Nakakatakot kasi baka di na sila naniniwala sa impyerno kaya ganyan na sila kasama."
Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry o DTI na mananagot ang mga negosyanteng lalabag sa 'price freeze' at mananamantala sa naging epekto ng kalamidad.
“We are conducting a monitoring of prices of basic necessities and prime commodities, including generator sets (gensets),” saad ni Engiemar Tupas, senior trade and industry development specialist ng DTI-Negros Occidental, na isa sa mga malubhang naapektuhan ni Odette.