Upang tulungan ang mga biktima ng bagyong "Odette" sa Bohol, Leyte, Siargao, at Cebu City, nagpadala ng unang batch ng relief goods ang Caloocan City sa mga naturang probinsya noong Martes, Disyembre 21.

Ayon sa local government, ang inisyal na relief goods ay naglalaman ng sako ng bigas, hygiene kits, kape, delata, at iba pang pangangailangan, ito ay pinondohan ng alkalde, department heads, kaibigan at staff bilang parte ng kanilang donation drive sa mga apektadong indibidwal.

Sa mga residenteng nagnanais tumulong pumunta lamang sa Human Resource Management and Development Department sa bagong city hall ng Caloocan City.

Aaron Dioquino

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3