Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista dahil sa mataas ang naitatalang bilang ng aksidente kapag pumasok na ang Disyembre.
Binigyang-diin ng ahensya, dapat siguruhin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan sa kabila ng pagdami ng sasakyan at pagdagsa ng mga tao sa Metro Manila.
Pinayuhan din ng MMDA ang publiko na maging responsable sa paggamit ng kalsada, lalo na ngayong Kapaskuhan upang makaiwas sa aksidente na posibleng magbuwis ng buhay lalo na ngayong holiday season..
Bella Gamotea