Matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas at Minadanao, inilunsad ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) ang isang relief operation nitong Miyerules, Dis. 22, upang tulungan ang mga Pilipinong apektado ng iniwang pinsala ng bagyo.

Sa memo na nakuha ng midya, hinimok ng SLMC President at Chief Executive Officer Arturo S. Dela Pena ang mga Pilipino na magkusang tumulong sa pagre-repack ng food packages sa Henry Sy, Sr. Auditorium sa Dis. 23 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at sa Dis. 24 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

“To heed the urgent call for support, we are organizing St. Luke’s Bayanihan — a relief operation for the victims of Typhoon Odette. We aim to reach as many families as possible and share whatever we can to help ease their loss,” sabi ni Dela Pena.

“We would appreciate your willingness to support — especially now as we count the days before Christmas. We may not be able to give much but together, we can make a difference in the lives of the victims of Typhoon Odette,” dagdag niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa bagyong Odette ay naestimang aabot sa P2.2 bilyon ayon sa Department of Agriculture (DA).

Samantala, sa pag-uulat ng National Disaster Risk Reduction Council nitong Miyerkules, Dis. 22, umakyat na sa 177 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyo sa VisMin.

Gabriela Baron