Inaabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na suspendido muna ang pag-iral ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa mga sumusunod na araw ngayong holiday season: 

Disyembre 24, Biyernes (Christmas Eve)  Disyembre 30, Huwebes (Rizal Day) Disyembre 31, Biyernes (New Year's Eve).

Wala namang number coding sa Disyembre 25 (Araw ng Pasko) at Enero 1, 2022 (Bagong Taon), parehong araw ng Sabado. 

Ibig sabihin, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 na sakop ng coding tuwing Huwebes; at 9 at 0 na sakop ng coding tuwing Biyernes ay maaaring bumiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila buong araw. 

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>

Bella Gamotea