Nanawagan angMalacañang sa mga magnanakaw at negosyanteng nagtataas ng presyo ng pagunahing bilihin na huwag nang samantalahin ang mga kapwa Pinoy na apektado ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
"Ang sa akin na lang siguro, isang pakiusap sa ating mga kababayan lalong lalo na sa panahon ngayon ng Pasko, please let us not take advantage of our fellow Filipinos who are suffering right now,” apela ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring acting presidential spokesman.
Nakiusap si Nograles na magtulungan na lamang ang mga ito at huwag nang samantalahin ang sitwasyon dahil karamihan ay nawalan na ng matitirahan dahil sinalanta na ng bagyo.
Nagpakalatna aniya ng mga pulis sa mga lugar na naiulat na talamak ang nakawan at nagkakaroon ng overprice ng mga pangunahing bilihin upang hulihin ang mga ito.
Raymund Antonio