Inanunsyo ng pamahalaan ng United States at China na nagdagdag sila ng ₱60 milyong humanitarian aid upang makatulong sa patuloy na relief efforts ng Pilipinas para sa mga nasalanta ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
Paliwanag ni Chinese Ambassador Huang Xilian, idinaan nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang cash donations ng China na US$1 million (humigit-kumulang₱50 milyon) nitong Miyerkules ng umaga.
"As good friends and good neighbors, we were saddened to see the huge casualties and heavy loss of properties in some parts of the Philippines so we from the very beginning stand in solidarity with those people affected by the typhoon," sabi nito nang kapanayamin ito sa Pasay City.
Bahagi aniya ito ng kanilang tulong sa relief at recovery operations ng Pilipinas sa nasabing mga rehiyon.
Magbibigay naman ang United States ng₱10 milyong upang makatulong sa Pilipinas sa pagbili ng pagkain, tubig hygiene supply, at iba pang relief items para sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette.'