Nakapagtala ng 251 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Dis. 22.
Ang bilang ay nagtulak sa kabuuang kaso na umabot sa 2,837,784 tulad ng ipinapakita ng DOH case bulletin.
Sa kabuuang caseload, 0.3 percent o 9,238 lamang na impeksyon ang itinuturing na aktibo o nananatiling may sakit pa.
Ayon sa DOH, 3,153 ang may banayad na sintomas, 3,400 ang may katamtamang sintomas, 1,801 ang nasa malubhang kondisyon, 507 ang asymptomatic at 377 ang nasa kritikal na kalagayan.
Mayroon ding 122 karagdagang pagkamatay sa COVID-19 na naging sanhi ng pagtaas ng kabuuang bilang ng mga nasawi sa 50, 916 o 1.79 percent ng lahat ng mga nakumpirmang kaso.
Samantala, nasa 2,777,630 o 97.9 percent ng kabuuang bilang ng kaso ang nakarekober na matapos maiulat ang 395 na bagong nakaligtas sa sakit.
“We hope to continue decreasing our reported COVID-19 cases through the continuous implementation of PDITR (prevent, detect, isolate, treat and reintegrate) plus Vaccination strategies,” sabi ng DOH.
Analou de Vera