Nagtayo ng libreng charging station sa Surigao City ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Provincial Office.
Ilang lugar sa Visayas at Mindanao, kabilang ang Surigao, Biliran art Bohol ang nawalan ng suplay ng kuryente at mga linya ng telekomunikasyon matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa mga pasilidad ng paghahatid at pamamahagi ng kuryente na nagdulot ng maraming pagkaputol ng fiber cable.
“Since electric power in the city is still out, Suriganonons are in desperate need to recharge their phones, flashlights, power banks, and other gadgets,” sabi ng DICT.
Bukas ang charging station sa DICT Surigao del Nofrte Provincial Office mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, first-come, first-served basis.
Isinailalim sa state of calamity ang Surigao City nitong Martes, Dis. 21 dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Odette sa lugar.
Gabriela Baron