Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutanna ang pamahalaan ng₱10 bilyong tulong na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hinagupit ng bagyong 'Odette.'

Ito ang tiniyak ni DBM acting secretary Tina Canda at sinabing handa na ang₱2 bilyong bahagi nitosa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

"For the P10 billion which the president mentioned, the₱2 billion is already available under theNDRRMFwhich is the long name of the calamity fund,” anunsyo ni Canda sa isang briefing saMalacañang nitong Miyerkules, Disyembre 22.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fundaylump-sum appropriation na nakalaan para sa “tulong, relief at rehabilitation efforts” para sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Matatandaang, nangako ang Pangulo na mangangalap ng ₱10 bilyon para sa rehabilitation at recovery efforts sa typhoon-affected areas, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Beth Camia