Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Dis. 22, may mataas na tsansa na maging tropical depression sa mga susunod na araw ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Pacific Ocean.

“Based on current data available, the low pressure area over the Pacific Ocean is expected to enter the Philippine area of responsibility on Dec. 26 or 27. It will be closest to the landmass of Mindanao on the evening of Dec. 29, or morning of Dec. 30,” sabi ng PAGASA sa isang pahayag.

Nauna itong inaasahang papasok sa PAR sa Dis. 23 o 24 at gagalaw sa pinakamalapIt na Eastern Visayas at Mindanao sa Dis. 25.

“This LPA has 60 percent to 70 percent chance to develop into a tropical depression,” dagdag ng PAGASA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa forecast nitong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na mayroong 30 hanggang 40 percent na posibilidad na maging tropical depression ang LPA.

Alas-4 ng madaling araw, Miyerkules, tinatayang nasa 1,350 kilometro silangan ng Mindanao ang LPA.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa mga update tungkol sa sama ng panahon “para sa posibleng pagbabago sa forecast scenario.”

Hiniling din nito sa publiko na gumawa ng precautionary measures at “manatiling mapagbantay laban sa mga hindi opisyal na impormasyon na nagmumula sa unverified sources.”

Sinabi ng PAGASA na ang opisyal na impormasyon ay inilalabas ng PAGASA sa kanilang website, Youtube channel at social media accounts.

Ellalyn De Vera Ruiz