Magiging maulan ang araw ng Pasko sa bansa, partikular na sa Visayas at Mindanao.
Ito ang inihayag ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)nitong Miyerkules, Disyembre 22, at sinabing bunsod ito ng inaasahang pagpasok sa bansa ng isang low pressure area (LPA) sa Huwebes, Disyembre 23 o sa Biyernes (Disyembre 24).
Paliwanag ni weather forecaster Aldczar Aurelio, huling namataan ang LPA sa layong 1,350 kilometro silangan ng Mindanao.
Aniya, nasa 30 hanggang 40 porsyento ang tiyansang mabuo ito bilang bagyo.
Sa pagtaya nito, posibleng kikilos ang LPA pa-silangan ng Visayas at Mindanao na inaasahang makararanas ng pag-ulan sa Disyembre 25.
“Kaya paalala po sa ating mga kababayan na maging laging alerto at updated sa ating weather lalo na sa low pressure area na ito," babala pa ni Aurelio.
Ellalyn De Vera-Ruiz