Mahigit sa 100 katao ang nalason, kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan, habang ginaganap ang isang malaking pagtitipon sa Quezon Convention Center nitong Martes.
Dakong 9:00 ng gabi, umabot na sa 111 ang bilang ng mga nalason na isinugod sa Quezon Medical Center sa Lucena City.
Ang mga ito ay miyembro ng dalawang volunteer group na Provincial Union of Leaders against Illegalities (PULI) at ng Luntiang Katipunero (LK) at nagmula pa sa mga bayan ng Infanta, Tagkawayan, Tiaong, Calauag, Guinayangan, San Francisco, Dolores, Pagbilao, Lucban, Atimonan, Perez, Panukulan, Candelaria, Mauban, Lopez, Sariaya, Paridel, Burdeos, Perez, Polillio, Sariaya, Quezon, Quezon, Lucena at Tayabas.
Sa paunang ulat, ang insidente ay naganap habang nagkakaroon ng payout ng honorarium ng aabot sa 4,000 na kasapi ng PULI at LK.
Matapos mag-almusal ng pritong itlog, hotdog at kanin, bigla umanong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa sumuka ang mga biktima.
Isinugod ang mga ito sa Quezon Medical Center kung saan sila ay na-confine.
Sa kanyang Facebook account, kaagad nanang humingi ng paumanhin at pang-unawa si Governor Danilo Suarez sa mga nalason at sinabing isolated cases lamang insidente.
Kaugnay nito, malakas ang mga alegasyon na ang LK at PULI ay ginagamit ng mga Suarez sa kanilang pamumulitika, bagay na kanilang pinabulaanan.
Iniimbestigahan ang ulat na ang catering services na ginamit sa okasyon ay pag-aari umano ni Tina Talavera na siyang umaaktong hepe ng Provincial General Services Office.
Bella Gamotea