Umabot na sa mahigit P3 milyon ang special collection ng Manila Cathedral sa Intramuros para sa mga biktima ng bagyong "Odette."

Photo Manila Cathedral FB

“Words cannot express our deep gratitude to the Manila Cathedral mass goers and online community for the donations you sent for our brothers and sisters who are greatly in need at this moment,” sinabi ng Manila Cathedral sa kanilang Facebook post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinagawa ang special collection na ito bilang pagtugon sa panawagan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/19/archdiocese-of-manila-nagsagawa-ng-second-collection-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-odette/

“In response to the call of our Archbishop Jose Cardinal Advincula, all Mass collections and online donations to the Manila Cathedral from the evening of Dec. 18 and the whole day of Dec. 19 will be given to the victims of typhoon Odette,” anang Cathedral.

Samantala, sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Lunes, isasagawa ang second collection sa lahat ng Misa sa Disyembre 25 at 26 para sa mga biktima ng bagyong "Odette."

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/21/cbcp-itinakdang-national-days-of-prayer-ang-dis-25-at-26-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-odette/

Leslie Ann Aquino