Naging emosyunal si Andi Eigenmann sa pagtatanggol sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo, na pinagbibintangan umanong binubulsa o ninanakawan ang mga donasyong ipinaaabot sa kanila ng mga tao, pantulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Siargao.

Ginawa niya ang pagtatanggol sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories.

“Philmar just got back to Siargao and left me and the kids behind with a heavy heart in order to go and see our family and see what more we could do to help," ani Andi.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

“When he got a seat on the @sunlight_air plane as volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes,” pahayag pa ni Andi.

Nagpaalam naman umano si Philmar na kung puwede ring mag-uwi kahit isang kahon ng donasyon, para naman sa kaniyang pamilya. Pinayagan naman umano ito. Hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang mga akusasyong ninanakaw ni Philmar ang mga donasyon.

“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored hos chance to use his platform to ask for them, since he’s willing to use his own money just to help our community out."

Masakit umano para kay Andi na para bang magnanakaw ang tingin ng mga tao kay Philmar, gayong may kakayahan naman umano itong gamitin ang sariling pera at paluwalan ang lahat.

“Just so hurtful that it is always seems to be so hard to believe that my fiance has his own money to spend too because he works to earn it.

“Now with some, he is still the simple man who doesn’t really need much — just for his kids to have a good life. Which is why it isn’t hard for him to share his blessings to his home.”

“Before he left, I kept telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, ‘Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purofied water, no proper food to eat. We will be ok’.”

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Samantala, isang netizen naman ang nagpasalamat at nagpatunay sa kagandahang loob na taglay ni Philmar.

Matatandaang isa ang Siargao sa mga islang nakaranas ng hambalos ni Odette noong Disyembre 16 hanggang 17. Sa Siargao naninirahan sina Andi, Philmar, at kanilang mga anak.