Naglaan ng panibagong P200 milyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa susunod na taon bukod pa sa P500 milyon na naaprubahan para sa tulong-pinansyal sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Sinabi ni “Chie” Umandap, OWWA Board of Trustee, na ang cash aid program ng gobyerno ay naglalayong tulungan ang mga dating OFW na nawalan ng trabaho at apektado ng pandemya.

“This is also aimed at encouraging them to put up their business for them to stay in the country and earn money with their family,” ani Umandap, founder ng AkOOFWs.

Aniya, hihikayatin din ng programa na lumikha ng grupo ng mga dating OFW upang makatanggap sila ng grant at iba pang tuong pinansyal mula sa OWWA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kasunduan ay kung ang grupo ay may 10 miyembro, tatanggap sila ng P150,000 mula sa OWWA at P250,000 kung mayroon silang 11 hanggang 25 na kasapi.

“If they have members 16 to 30 they will receive P500,000 and if you have members of the group 31 and above you group will receive P1 million,” sabi niya.

Gayunpaman, sinabi ni Umandap na ang grupo o asosasyon at dapat rehistrado sa institusyon ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Security and Exchange Commission (SEC), Department Of Trade and Industry (DTI) o sa Cooperative Commission.

Ariel Fernandez