Next level na ang dating news anchor ng ABS-CBN na si Ces Oreña-Drilon!

Hindi na lamang siya isang broadcast journalist kundi isang artista na rin, dahil kasama siya sa cast members ng 'Boys Love' o BL series na 'Love Team: Beyond Boys' Lockdown' na sequel ng hit 2020 BL series na 'Boys’ Lockdown' nina Ali King at Alec Kevin.

Ang batikang newscaster ang gaganap na nanay ni Ali sa kuwento. Ibinahagi rin niya ito sa kaniyang Instagram account.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ces Oreña-Drilon (Screengrab mula sa IG)

Ces Oreña-Drilon (Screengrab mula sa IG)

"Ali’s from a showbiz family and I was a star in my day, something like that. And may pagka-stage mother," saad ni Ces sa panayam ng ABS-CBN.

Sa totoong buhay raw ay hindi siya ganitong klaseng ina.

Sumailalim umano si Ces sa acting workshop para sa naiibang gampaning ito, bagama't nakatulong naman sa kaniya ang kasanayan sa pagharap sa camera.

“In a way, when you’re presenting, there’s a bit of projection that you have to do. Not acting, but projecting. So I think that helped also,” sey ni Ces.

Bagama't tumanggap na siya ng acting project, sinabi naman niya na wala naman siyang balak ituloy-tuloy ang pagiging 'aktres' dahil broadcasting pa rin ang bet niya. Gusto lamang daw niyang subukin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon.

"Because of the situation, we are in the pandemic and all and I got retrenched from ABS-CBN, I thought it’s the time of experimentation."

"Why not do something you haven’t done before? I’ve actually appeared in some movies before, but always as a journalist, as an interviewer. So this was really new," aniya pa.

Bukod sa pag-arte, pinasok na rin niya ang pagnenegosyo. Tinitingnan na lamang umano niya ang nangyari sa pagkakatanggal niya sa home network dahil sa retrenchment, na magawa pa niya ang iba pang mga interes sa buhay.

“I think what happened after I was retrenched from ABS-CBN was that I pursued my other interests. I took courses in natural perfumery, soap making, balm making, and scent making.

“In pivoting, I think I was successful in exploring other parts of me that I never would have had the pandemic not happened and forced me in that situation, where I had to look for other means of earning income and fulfilling yourself.”

“Now, I feel so energetic. I didn’t realize that at my age I’d be so inspired and full of ideas. Twenty-four hours of a day are not enough, I feel,” paliwanag niya.