Nagkasunog sa isang commercial building sa Makati City nitong Martes, Dis. 21, dahil sa nag-overheat na home appliances.
Nakumpirma ng awtoridad ang insidente sa Unit 301-F, W. Young Bldg., 5782 Felipe St. Bgy. Poblacion Makati City bandang 8:02 ng umaga at idineklarang fire out dakong alas 8:15 ng umaga.
Kinilala ngBureau of Fire Protection (BFP) ang may-ari ng unit na si Shela Gulios.
Walang nasugatan sa naturang insidente.
Ayon sa Arson investigators, P15,000 ang pinsala ng sunog.