Nananawagan ngayon ang mga netizen sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na suriin, pag-aralan, at aksyunan ang isang eksena umano mula sa pelikulang 'Pornstar 2: Pangalawang Putok' na isinulat at iidinerehe ni Darryl Yap, at napapanood na sa Vivamax.

May be an image of 4 people and text that says 'ALMA MORENO MAUI TAYLOR ARA MINA ROSANNA ROCES A FILM BY DARRYL YAP DRNSTARE PANBALAWANG PUTOK DECEMBER3 amax'
Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at Rosanna Roces (Larawan mula sa FB/Darryl Yap)

Kumakalat kasi ang ginawang quote cards ng isang entertainment site, mula sa isa sa mga eksena ng apat na bida na sina Rosanna Roces, Ara Mina, Alma Moreno, at Maui Taylor tungkol sa pag-awit nila ng bersyon ng 'Lupang Hinirang', ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Sa naturang eksena ay pinasusumpa nila ang apat na newbie pornstars na papalit sa kanilang trono.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Bayang malibog, perlas ng silanganan/May alab ng suso, sa dibdib mo'y buhay na buhay/Sa dagat at bundok, sa silong at sa singit ninyong uhaw/Buhay ang langit sa k*ki ninyo."

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen na matatagpuan sa naturang entertainment site:

"Basura. Para mapag-usapan? Babastusin ang Pambansang Awit ng Pilipinas?"

"Mahilig din naman ako sa kalokohan at memes pero hindi sa ganitong paraan binastos n'yo ang national anthem Calling the attention of National Historical Commission of the Philippines… MGA WALA KAYONG RESPETO!!!"

"Sa ngalan ng pera ginagawa ng mga artista ang hindi naman dapat gawin tulad ng pambabastos sa Lupang Hinirang. May batas nga tayo para parusahan ang mga tulad ng ginagawa ng mga walang utang na loob na ito pero wala namang ngipin na batas. Hanggang kasulatan lang kaya hayan, kahit ano lang ang maisip na pambabastos sa mga simbolo ng ating bansa. Ang masaklap pa, very accessible ang mga ganyang palabas kahit sa mga menor de edad."

Samantala, may Facebook post naman si Direk Darryl Yap sa mga netizen na agad-agad nanghuhusga sa kaniyang pelikula, na hindi pa naman napapanood ang kabuuan nito.

"Dami ring nagtatanong kung hindi ba ako magrereak sa kumbulsyon ng mga hindi naman napanood ang #Pornstar2 pero andaming bintang. Hindi ko po alam ang pinagsasabi n'yo, at alam ko po kapag di mo alam at di mo napanood-

walang basehan ang kahit anong salita. Hindi ko po maipapaliwanag ang pelikula at lalong hindi ko kayang ipaintindi sa inyo ang wala sa inyong kapasidad," aniya.

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Samantala, wala pa namang tugon ang National Historical Commission of the Philippines tungkol dito.

Sa magkaibang sitwasyon naman, matatandaang noong 2020, tinawag ng NHCP ang atensyon ng Internet star na si Bretman Rock na naging viral ang video kung saan makikitang sumasayaw siya sa tugtugin ng 'Lupang Hinirang' na isang pambabastos umano sa pambansang awit. Agad naman itong humingi ng tawad sa publiko.

May be an image of text that says 'จ4 NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES NOTICE TO THE PUBLIC response regarding complaints ploaded National Historical Commission platform Implementir Philippines, Anthem Philippines pursuant mandated espect,a persons occasions: implement attention. recreation, amusement Heraldic National entertainment International competitions National competitions; Dancing hilippines National Anthem host has shownin violation abovementioned therefore corresponding refusalt observe eprovisions refusalto regulations issued public censure peay 5,000 sgivento President 20,000 similar prevent Datedat Manila, this2 Ola CARMINDA AREVALO ofJanuary, 2020.'
Larawan mula sa FB/National Historical Commission of the Philippines

Pinanghahawakan ng NHCP ang Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines. Posibleng parusahan ng ₱5,000 hanggang ₱20,000 multa at pagkakakulong ng hindi lalagpas ng isang taon ang sinumang magpapakita ng kawalan ng paggalang sa watawat o pambansang awit ng bansa, ayon sa batas.